Umakyat na sa 20 ang patay na iniwan ng hurricane Dorian sa bansang Bahamas.
Gayunman ayon kay Prime Minister Hubert Minnis, nangangamba sila na tataas pa ang bilang ng mga nasawi habang nagpapatuloy ang search and rescue operations.
Ayon pa sa kanya, ngayon lamang unti unting lumilinaw ang malaking pinsala sa kanilang lugar.
Samantala nagbabala naman ang National Hurricane Center ng Amerika na unti-unti na ring nararamdaman sa coastline ng estado ng Carolina ang outer rain bands ng bagyong Dorian.
Sa ngayon nasa Category 3 ang bagyo at taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 115 miles per hour.
Bukas inaasahan na dadaan ang bagyo sa bahagi na ng South Carolina.
Binalaan na rin ang mga residente na maging alerto lalo na sa panganib ng mga storm surges partikular ang nakatira sa mga coastal areas ng Georgia, South Carolina, at North Carolina, gayundin ang mga bahagi ng southeast Virginia at southern Chesapeake Bay.