-- Advertisements --
NAGA CITY – Inihahanda na ng mga opisyal sa Camarines Sur ang pagpapasuri sa kakanin na nilupak na itinuturong sanhi ng pagkalason ng 20 tao sa bayan ng Minalabac.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Dr. Janet Froyalde ng Bicol Medical Center, na kailangang malaman kung kontaminado ng chemical component na cyanide ang pagkain na posibleng sanhi ng pagsusuka at pananakit ng tiyan ng mga biktima.
Nanawagan ang eksperto sa lokal na pamahalaan para maipadala sa Maynila ang samples ng kakainin dahil kulang umano ang gamit sa kanilang bayan para suriin ito.
Sa ngayon nakalabas na ng pagamutan ang mga biktima.
Nagpaalala rin si Froyalde sa publiko hinggil sa pagiingat sa mga pagkaing binibili.