-- Advertisements --

Hindi bababa sa 20 Palestino ang nasawi matapos na aistrike ng Israel sa isang palengke at paaralan na ginagamit bilang temporaryong tirahan ng mga nawalan ng bahay.

Naganap ang insidente sa Deir el-Balah sa central Gaza kung saan maaring tumaas pa ang bilang ng mga masasawi dahil sa mayroong nasa malubhang kalagayan ang ibang biktima.

Marami rin sa mga biktima ay bata na nasa kritikal ang kalagayan sa mga pagamutan.

May ilang biktima rin ang natabunan matapos ang pag-atake sa paaralan kung saan patuloy ang ginagawang paghahanap ngayon ng mga otoridad.