DAVAO CITY – Tinupok ng malawakang apoy ang sampu hanggang labingpitong kabahayan sa may Zone 2, San Francisco Village, Matina lungsod ng Davao pasado alas 12 kaninang tanghali.
Ayon kay Talomo BFP Ins. Reomar Bucao,nagsimula ang sunog pasado alas 12 ng tanghali kanina at na kontrola ito pasado ala una ng hapon.
Sa rekord ng Bureau of Fire Protection, nasa 20 pamilya ang apektado sa nangyaring sunog.
Samatantala, ayon naman sa isang apektadong residente na si Rose Along na isang pinabayaang niluluto ang naging sanhi ng sunog.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP para malaman ang naging sanhi ng sunog at ang damyos ng natupok na mga kabahayan kung saan tinupok rin ng malaking apoy ang iilang boarding house.
Sa ngayon, nananawagan ang apektadong pamilya sa LGU nitong lungsod dahil isang malaking trahedya ito lalo pa at iilang oras na lang sasalubungin na ng lahat ang bagong taon.