-- Advertisements --

Nasa 20 pamilya ang inilikas matapos na bumigay ang bahagi ng ginagawang kalsada sa Barangay Karuhatan, Valenzuela City.

Ang nasabing kalsada na matatagpuan sa San Agustin Street ay katabi lamang ng ginagawang city hall ng nasabing lungsod.

Nagbunsod ang nasabing pagbibigay ng kalsada dahil sa walang tigil na pag-ulan mula araw ng Sabado hanggang Linggo.

Naglagay na ng mga otoridad ng mga warning signs sa lugar para hindi na madaanan at maiwasan ng mga motorista.