-- Advertisements --

Nasa 20 mga pampasaherong jeepney ang tinanggalan ng prangkisa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos ang pagsali nila sa malawakang tigil pasada noong taong 2017.

Sinabi ni LTFRB Chairperson Martin Delgra III, na ang pagtanggal ng kanilang Certificates of Public Convenience (CPC) ay nakapaloob sa memorandum circular noong 2014 na ipinagbabawal ang mga ito na sumali sa kilos protesta.

Nagpapakita aniya na ang kanilang ginawang hakbang ay seryoso sila sa mga batas na ipinapatupad.

Muling nagbabala ang LTFRB sa mga operators ng pampasaherong jeep na mapapatawan sila ng parehas na kaparusahan kapag sumali sila sa nakatakdang malawakang tigil pasada sa araw ng Lunes, Setyembre 30.