KORONADAL CITY – Umakyat na 20 ang bilang ng mga namatay sa nahulog na forward truck sa Barangay Lamsalome, T’boli, South Cotabato.
Batang lalaki, nag-iisang survivor sa kanilang pamilya; nasa kritikal na kondisyon sa Tboli accident
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Provincial Disaster Risk Reduction ang Management Office Head of Operations and Warning Rolly Doane Cuenca Aquino, ilan sa mga nasawi ay naka-confine sa South Cotabato Provincial Hospital, Upper Valley Community Hospital at ilan pang pribadong mga bahay-pagamutan sa probinsya.
Karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng malalang sugat sa ulo, labis na gasgas sa kanilang katawan, at pagka-dislocate ng mga buto dahil sa lakas ng impact ng pagkahulog ng truck.
Narito ang mga pangalan ng ilan sa mga binawian ng buhay:
Pasquin, Hershey – 6 years old
Apus, Trisha – 10 yrs old
Ayupan, Regine Divine (Mikay) – 6 yrs old
Babon, Wilyn Jade –
Batang lalaki na ‘di pa tukoy
Habang ang ilang mga sugatan ay sina:
Pasquin, Hailey – 1 year old
Pasquin, Hernanie – 34 yrs old
Gabio, Pretty – 9 yrs old
Ayupan, Dave – 10 – 12 years old
Decolongon, Ian – 28 yrs old
Gabio, Shane – 27 yrs old
Pendatun, Analyn – 30 yrs old
Rabara, Rodel – 41- Driver
Gaylar, Argie – 34 yrs old
Gabio, Princess – 8 yrs old
Napag-alaman na kabuuang 34 ang sakay ng forward truck kung saan 20 ang nasawi.
Una rito, lumalabas sa inisyal na impormasyon na mula sa night swimming ang mga biktima at nang pauwi na, nag-shortcut umano sa bayan ng T’boli, hanggang sa nahulog sa bangin.
Isa sa mga tinitignang dahilan nang pagkahulog sa bangin ng truck ay ang pagkawala ng preno o pagsabog ng gulong ng sasakyan.