-- Advertisements --

Patay ang 20 katao sa Bihar, India matapos tamaan sila ng kidlat.

Ayon kay Bihar Chief Minister Nitish Kumar nangyari ang insidente sa loob lamang ng isang araw.

Dahil dito ay pinayuhan niya ang mga residente na huwag ng lumabas.

Taon-taon kasi ay ilang daang katao na ang nasasawi matapos tamaan ng kidlat na kadalasang tumatama tuweing tag-ulan.

Nag-alok naman ng tulong ang gobyerno ng India ng mahigit $5,000 sa mga nasawing biktima.