-- Advertisements --

Patay ang nasa 20 katao matapos ang naganap na car bombing sa northern Syria.

Ayon sa Syria Civil Defence o kilala bilang White Helmets, na bigla na lamang sumabog ang kotse sa kalsada ng Manbij City.

Tinamaan dito ang isang truck na may sakay na 30 mga agricultural workers.

Dinala naman sa pagamutan ang 15 kababaihan na kabilang sa nasugatan.

Tiniyak ng mga otoridad na kanilang hahabulin ang suspek na tinawag nilang isang uri ng ‘terorrist’ attack.