-- Advertisements --

Patay ang 20 katao matapos ang pagbagsak ng sinakyan nilang eroplano sa South Sudan.

Ang maliit na pampaseherong eroplano ay bumagsak sa Unity Oilfield airport kung saan patungo sana ito sa Juba ang capital City ng South Sudan.

Karamihan sa mga pasahero ay oil workers sa Greater Pioneer Operating Company.

Kabilang sa nasawi ang dalawang Chinese national at isang Indian.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing pagbagsak ng eroplano.