-- Advertisements --

Patay ang nasa 20 katao matapos na sila ay pagbabarilin sa western Burkina Faso, West Africa.

Lulan ng mga motorsiklo ang hindi pa nakilalang mga suspek na walang habas na namaril sa mga resident ng Bani municipality sa Ouangadougou.

Ang insidente ay naganap halos isang linggo matapos na mapatay ng mga militanteng grupo sa palengke ng Silgadji.

Noong nakaraang taon ay sinasabing isa sa pinakamaraming nasawi na umabot sa 4,000 dahil sa armed conflicts.

Nagsasagawa na ang mga otoridad doon ng imbestigasyon laban sa mga suspek.