-- Advertisements --

Patay ang nasa 20 katao matapos na sila ay pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa isang minahan sa Pakistan.

Nilusob ng mga suspek ang Junaid Coal Company sa Duki district at walang walang pinagbabaril ang mga tao doon.

Ayon sa ilang mga nakaligtas na gumamit ng mga rocket launchers, granada, at mga drones ang mga suspek.

Maging ang kanilang mga heavy equipment ay kanilang sinunog.

Wala pang grupong umako sa insidente subalit naniniwala sila na ito ay kagagawan ng Blaoch Liberation Army (BLA) na siyang nagsagawa ng pag-atake noong nakaraang mga buwan.