-- Advertisements --

Umaabot sa 20 katao ang panibagong nasawi sa patuloy pa ring civil war sa bansang Myanmar na hawak pa rin ng military junta.

Sinasabing ang panibagong karahasan ay nangyari sa engkwentro sa pagitan ng mga nag-aalsa na militia at security forces ng Myanmar.

Ang naturang pangyayari ay tinawag na “worst violence” sa kabila ng panawagan ng mga kritiko sa military gov’t para sa “people’s defensive war.”

Ang naturang karahasan ay kasunod din sa patuloy na apela ng mga aktibista at mga anti-military forces sa international community lalo na sa Southeast Asian Nations na sana tulungan sila sa pamamagitan ng isang matibay na intervention.

Ang kawalan umano ng ganitong saklolo mula sa labas ng Myanmar ang nagiging dahilan sa armadong pag-aalsa ng mamamayan.

Inaabangan naman ngayon kung sino ang kakatawan sa Myanmar sa nalalapit na UN General Assembly sa New york.

Samantala batay sa monitoring ng Assistance Association for Political Prisoners, nasa 1,062 na ang nasawi mula nang manungkulan ang mga nagsagawa ng kudeta.