-- Advertisements --

Nasa 20 katao ang nasawi sa naganap na stampede sa Nigeria.

Nakapila kasi ang mga refugees sa Diffa, Nigeria para sa pagkain at pera ng magkaroon ng tulukan.

Nag-unahan ang mga tao pagbukas lamang ng gates ng pasilidad para makuha ang tulong mula sa governor ng Nigeria.

Mahigit 10 katao naman ang nasugatan na itinakbo sa pagamutan.

Mayroon kasing 120,000 na mga katao ang nawalan ng tirahan dahil sa kaguluhan na kagagawan ng mga Bok Haram militants sa north-eastern Nigeria.