-- Advertisements --

Nasa maayos na kalusugan ang 20 Pilipinong tripulante ng Norwegian-flagged bulk carrier na MV Lunita, na nasabat sa South Korea dahil sa umano’y kargang cocaine, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Ipinahayag ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na ang mga Pinoy seafarers ay nananatili pa rin sa barko habang isinasagawa ang imbestigasyon. May mga abogado na raw na ibinigay ang kumpanya ng barko upang payuhan ang mga ito, at maglalaan din ang DMW ng collaborating counsel para sa kanilang legal na suporta.

Siniguro naman ni DMW Under Secretary For Foreign Employment and Welfare Services, Felicitas Bay, na habang patuloy ang kanilang imbestigasyon, nasa maayos na kalagayan naman ang mga Filipino seafarers.

Sinabi naman ni DMW Sec Cacdac, na nakausap na nila ang anim na pamilya ng mga tripulante na nasa Metro Manila at tiniyak ang tulong ng ahensya para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Samanrala, nakatakda makipagkita ang ahensya sa iba pang pamilya sa mga susunod na araw.