Naglabas na ng listahan ang Philippine National Police (PNP) ng mga lugar na nilagyan nila ng quarantine control points.
Ito ay makaraang isailalim sa bubble general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID 19.
Ayon kay PNP spokesperson B/Gen. Ildibrandi Usana dalawa ang checkpoints “ingress at egress” na ibig sabihin dalawang border control point.
“Yung boundaries ng NCR plus doon sa strategic areas kung san doon yung boundary po ilo-locate yung checkpoint. Now outside the boundary meron din po yung border control kung sino po yung papasok sa NCR plus. So, kung sila po ay essential worker definitely po sila ay papayagan pero kapag non-essential workers sasabihan lang po yung papasok na bumalik na po,” paliwanag ni Gen. Usana.
Ang mga itinalagang quaratine control points ay ang mga sumusunod:
Sa Bulacan hanggang sa boundary ng Pampanga, inilatag ang checkpoint sa: 1. DRT Highway, Brgy. Bulualto, San Miguel Bulacan hanggang Gapan, Nueva Ecija 2. Brgy. San Roque Road, Baliuag hanggang Candaba, Pampanga Mac Arthur, Brgy. Gatbuca, Calumpit, Bulacan hanggang Apalit, Pampanga at Brgy San Pascual, Hagonoy, Bulacan hanggang Sapang Kawayan, Masantol Pampanga.
Sa NLEX Southbound exit kasama ang may checkpoint ay ang: Pulilan ext; Sta Rita ext.; Bocaue ext; Philippine Arena ext; Meycauayan ext at Marilao exit.
Sa Cavite-Batangas boundaries naman ay: Brgy. Amuyong, Alfonso, Cavite hanggang Nasugbu, Batangas; Brgy. Sapatang 1, Ternate, Cavite hanggang Nasugbu, Batangas; Brgy. Sungay East at San Jose Tagaytay City hanggang Brgy. Guillermo, Talisay, Batangas.
Sa Laguna-Batangas boundary: Brgy. Makiling, Calamba City hanggang Sto. Tomas, Batangas; Brgy. San Agustin, Alaminos, Laguna hanggang Sto. Tomas, Batangas.
At sa Laguna-Quezon boundaries naman: Brgy. San Antonio 2, San Pablo City, Laguna hanggang Tiaong, Quezon City ; Brgy san Antonio Luisana, Laguna hanggang Lucba, Quezon ; Brgy. Tunhac, Famy Laguna hanggang Real, Quezon At Brgy. San Isidro Majayjay Madlena Road hangganng Lucban, Quezon province.