Nagdagdag ngayon ang Department of Education (DepEd) ng 20 private schools para sa inisyal na 100 public schoold para sa kanilang panukalang face-to-face classes ngayong panahon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, maglalabas daw ang DepEd at Department of Health (DoH) ng joint guidelines para sa pag conduct of pilot face-to-face classes.
Ayon kay Malaluan, halos tapos na raw ang joint guidelines para sa face-to-face classes pero kailangan pa rin itong pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Una rito sinabi ng DepEd undersecetary na naiprisinta na nila sa Senate ang 100 schools na makikilahok sa pilot face-to-face classes.
Pero hiniling daw kasi ni Education Secretary Leonor Briones na magdagdag ng 20 private schools.
Pero sa ngayon ay hindi pa raw natukoy ang isasaling mga private schools.
Aniya, kailangan pa raw nila itong iprisinta rin kay Pangulong Duterte sa susunod na Cabinet meeting.
Kung maalala noong buwan ng Agosto, hinimok ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) ang pamahalaan na magkaroon na ng in-person classes.
Ang Pilipinas na daw kasi ay kasali sa limang bansang hindi pa nagkakaroon ng face-to-face classes mula nang magka-pandemic noong nakaraang taon.