Inaasahan na maraming mga barangay opisyal at mga namumuno sa iba’t-ibang mga siyudad at munisipalidad ang sasampahan ng reklamo Department of Interior and Local Government (DILG).
Kasunod ito sa pagrekomenda ni DILG Secretary Eduardo Año sa Office of the Ombudsman na sampahan ng kaso ang nasa 20 barangay opisyal ng Metro Manila.
Sinabi ng kalihim na hindi nila palalagpasin ang mga reklamo laban sa mga opisyal ng barangay.
Kinabibilangan ang mga ito ng 20 punong barangays kung saan lima rito ay mula sa Caloocan City, lima sa Quezon City, dalawa sa Paranaque City, at tig-iisa sa Mandaluyong City, Las Pinas, Manila City, Makati, Pasay City, Taguig City, Marikina City at Muntinlupa City.
Mismong si DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang sumulat kay Ombudsman Samuel Martires.
Ilan sa mga kasong kinasasangkutan ng mga ito ay ang paglabag sa implementasyon ng physical distancing, pagsasagawa ng sabong, pagsusugal, mahinang implementasyon ng lockdown protocols at negligence of duty at iba pa.
Inilapit naman na nila sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group para sa pagsampa ng kaso sa mga anomalya na may kinalaman sa Social Amelioration Program.