Ngayong araw ang ika-100 araw mula ng mag-umpisa ang pananalakay ng Russia sa Ukraine habang nagpapatuloy pa rin ang pagkilos ng Russian forces sa Donbas para masakop ang eastern Ukraine.
Kasabay nito, inanunsiyo din ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na nasa 20 porsyento na ng kanilang teritoryo ang nasa kontrol ng pwersa ng Russia.
Sinabi din ni Zelensky na mula noong Pebrero 24 , libu-libong mga tao na ang napatay at milyong indibidwal ang napilitang lumikas kung saan dumaranas ngayon ng matinding pag-atake mula sa Russian invaders ang Eastern Ukraine kung saan aabot sa 100 Ukrainian sundalo ang napapatay kada araw.
Tumitindi din ang labanan sa industrial hub ng Severodonetsk sa Lugansk na bahagi ng Donbas region .
Ang strategic city ay key target para sa Russia kung saan 80 na sa lugar ang kanilang kontrolado subalit s kabila nito nangako si Lugansk regional governor Sergiy Gaiday na patuloy na makikipaglaban ang Ukrainian forces hnaggang sa dulo.