-- Advertisements --

Hindi bababa sa mga 20 mga stalls ang natupok matapos ang maganap na sunog sa isang establishimento sa Ilaya, Divisoria sa Maynila.

Umabot ng mahigit apat na oras bago tuluyang naapula ang sunog na nagsimula pasado ala-una ng umaga kung saan nahirapan ang mga bumbero na makapasok dahil sa nakakandado ang nasabing establishimento.

Nagtulong-tulong na ang mga residente na malapit sa lugar para tuluyang maapula ang sunog.

Inaalam na ng mga Bureau of Fire Protections (BFP) ang naging sanhi ng sunog.