ROXAS CITY – Sugatan ang halos 20 katao sa pag-collapse ng isang landmark bridge sa Yilan county, Taiwan.
Base sa ulat na dumaan ang isang oil tank truck nang bumagsak ang Nanfang’ao Bridge sa Su’ao Township sa naturang lugar.
Tatlong bangka umano ang nabagsakan ng tulay na nagresulta sa pagkaka-trap at pagtamo ng sugat ng ilang foreign migrant fihermen.
Ayon sa Yilan County Fire Bureau, sampung katao ang dinala sa ospital kabilang ang anim na nagtamo ng seryosong mga sugat sa katawan.
Sa pahayag naman ng Ministry of Interior’s National Fire Agency, kabilang sa 10 na-ospital ay anim na Pinoy, tatlong Indonesians, at ang truck driver na isang Taiwanese.
Anim pang hindi nakikilalang mga foreign fishermen ang pinaniniwalaang na-trap sa bumagsak na tulay at nagpapatuloy pa sa ngayon ang search and rescue operation sa lugar.
Patuloy naman na ginagamot ngayon sa Lotung Pohai Hospital at Taipei Veterans General Hospital ang mga biktima.