-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang karagatang sakop ng Ecuador.
Ayon sa European Mediterranean Seismological Centre (EMSC) may lalim ang lindol ng 23 kilometers.
Nagtala rin ang mga otoridad doon ng 20 sugatan at pagkasira ng mga gusali sa lungsod ng Esmeraidas.
Tiniyak naman ni Ecuadorian President Daniel Noboa na makakarating ang tulong sa mga naapektuhang residente.