-- Advertisements --
Patay ang nasa 20 sundalo sa Nigeria matapos ang ginawang pag-atake ng rebeldeng grupong ISIL affilate sa West Africa Province (ISWAP).
Tinarget ng mga rebeldeng grupo ang army base sa Malam-Fatori sa eastern Borno.
Umabot pa umano ang labanan na mahigit na tatlong oras .
Ang Boko Haram at ISWAP fighters ang siyang namamayagpag na grupo sa Borno.
Kabilang sa nasawi ang commanding officer matapos ang ginawang pananambang ng mga ISWAP sa 149th Batallion.
Mabilis na tumakas ang mga rebeldeng grupo matapos ang nasabing pag-atake.