Dalawampung tauhan ng Tanay-based 2nd Infantry Division ang binigyan ng iba’t ibang disaster response training ng 525th Engineer Combat Battalion.
Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Army na si Col. Xerxes Trinidad, ang 20 tauhan ay sumailalim sa mga lectures, practical exercises, emergency medical response at iba pang mga pangunahing pagsasanay sa Philippine Army.
Ang 525th Engineer Combat Battalion, na kilala rin bilang “Mandirigtas” ay ang pangunahing humanitarian assistance at disaster response unit ng Philippine Army.
Dagdag dito, ang naturang pagsasanay ay ginanap sa 2nd Infantry Division headquarters sa Camp General Mateo, Capinpin, Tanay, Rizal.
Una na rito, ang PA at pwersang militar ng Japan noong Nobyembre 2021 ay nagsagawa ng limang araw na pagsasanay sa larangan ng pagtugon sa kalamidad, na naglalayong pahusayin ang mga kakayahan ng PA at Japan Ground Self-Defense Force sa pagtugon sa humanitarian assistance at disaster relief (HADR).