-- Advertisements --

Kinumpirma ng Comelec na pumasa sa isinagawang Hardware Acceptance Test (HAT) ang 20 Automated Counting Machines ng Miru Systems.

Isinagawa ang proseso sa kanilang warehouse sa Sta. Rosa, Laguna.

Ang diagnostic test results ay nagpapakita na ang lahat ng makina at mga piyesa ay maayos na gumagana, maging ang sensor, touchscreen, scanner, printer, camera, USB ports, LED, external keypad, etc.

Ang iba pang makina ay inaasahang maisusunod na rin ng Miru Systems.

Bilang automated elections system (AES) provider para sa 2025 National and Local Elections, kailangan nilang matiyak ang accuracy ng mga kagamitan bago i-turn over sa poll body.