-- Advertisements --
Nagsagawa ng inspeksyon ang mga kinatawan ng Commission on Audit (COA) para sa mga makinang gagamitin ng Commission on Elections (Comelec).
Umaabot sa 20 units ng Automated Counting Machine (ACM) ang sinuri ng poll body, para matiyak na nasa maayos na kondisyon ang mga ito.
Isinagawa ang pagsusuri ng COA sa Comelec Warehouse sa Sta. Rosa, Laguna.
Sinasabing gagamitin ang mga makina para sa education purposes.
Ito rin ang dadalhin sa mga roadshow at demo para makapagbigay ng kaalaman, lalo na sa mga bagong botante.
Sa ngayon ay halos tatlong milyon na ang mga nagpatala bilang botante sa regular registration at register anywhere program ng komisyon.