Sasabak na sa laban ang 20 anyos na si Vanessa Sarno sa sa ilalim ng women’s 71 kgs weightlifting sa nagpapatuloy na Paris Olympics.
Nakatakda ang laban ng bagitong weightlifter mamayang 1:30AM(Sabado – August 10) oras sa Pilipinas.
Si Sarno ay pang-apat sa International Weightlifting Federation(IWF) Olympic Qualification Ranking, matapos makapagrehistro ng 249kgs.
Nangunguna sa naturang kategorya Olivia Reeves ng US na nagrehistro ng 268, sunod si Angie Paola Palacios Dajomes ng Ecuador na may 261kgs, at Loredana Elena Toma ng South Africa na nagtala ng 256 kgs.
Kung magiging matagumpay ang kampanya ng 20 anyos na lifter, maibibigay nito ang ika-limang medalya ng Pilipinas sa nagpapatuloy na Paris Games.
Siya ang pinakahuling atleta ng Pilipinas na lalaban sa Olympics.