Patuloy na binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang posibleng aftershocks na maitatala kasunod ng magnitude-5.5 na lindol na tumama sa Occidental Mindoro nitong Sabado.
Batay sa huling datos ng Phivolcs, nasa 200 aftershocks na ang kanilang naitala mula ng unang maitala ang pagyanig ng lupa dakong alas-9:00 ng umaga.
Lumabas sa Intensity Scale ng tanggapan, pinaka-malakas na intensity ang naitala sa Rizal at San Jose, Occidental Mindoro; at Calapan, Oriental Mindoro.
Natukoy ng Phivolcs ang epicenter sa layong pitong kilometro sa timog kanluran ng Rizal, Occidental Mindoro.
May lalim itong 12 kilometro at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.
Bagama’t walang inaasahang malaking pinsala, posible namang magkaroon ng aftershocks sa mga susunod na oras.