-- Advertisements --

Sinalakay ng mga otoridad ang isang iligal na Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa lungsod ng Makati.

Pinangunahan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang operasyon kung saan naaresto nila ang nasa 200 na indibidwal.

Ibat’-ibang mga lahi na mga empleyado ang kanilang naaresto na bukod sa mga Pinoy ay mayroong Chinese, Japanese, Malaysian, Taiwanese, Brazilians at Hong Kong.

Ayon sa PAOCC na ang nasabing iligal na POGO hub ay nag-ooperate ng walang anumang lisensiya.

Ikinakabahala din nila na maaring maging security risk ang nasabing POGO hub dahil ang nasabing gusali ay kinaroroonan ng mga malalaking kumpanya at iba’t-ibang embahada.

Inihahanda na ng mga otoridad ang kasong isasampa laban sa mga naarestong suspek.