-- Advertisements --
Aabot sa 200 kabahayan ang tinupok ng forest fires sa Chile.
Nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang nasabing sunog sa Valparaiso city dahil sa malakas na hangin.
Gumamit na ang gobyerno ng helicopters para maapula ang sunog.
Lumikas na rin ang maraming residente.
Hinala naman ni government regional leader ng Valparaiso Jorge Martinez Duran na sinadya ang nasabing sunog.
Tiniyak naman nito na kakasuhan nila ang sinumang nanadya sa pagsunog.