-- Advertisements --
Hindi bababa sa 200 kabahayan ang natupok na naganap sa Anonas St. Barangay 636 Sta. Mesa, Manila.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog kung saan naapektuhan ang mahigit 400 pamilya sa nasabing barangay.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nagsimula ang sunog pasasdo alas-10 ng gabi at ito ay naapula matapos ang halos tatlong oras.
Umabot sa 17 mga truck ng bumbero mula sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila ang nagresponde.
Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng nasabing sunog sa insidente.