BUTUAN CITY – Umabot na sa 200 mga establisamiento sa Siargao Island, Surigao del Norte ang na-isyuhan ng notices of violation dahil sa pag-operate na walang Environmental Compliance Certificate o ECC.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources o DENR, inilabas ang nasabing mga notisya matapos makumpirma ng mga opisyal na 83-porsiento ng mga tourism-related na negosyo sa surfing capital ng nasud ay wala’y ECC.
Base sa latest data mula sa DENR, makikita na 192 lang sa mga establisamiento na nagrepresentar sa 17-porsiento sa 1,108 na mga tourism-related businesses ng Siargao ang mayroong ECCs habang ang natitirang 916 na ngrepresenta sa 83-porsiento ay nag-operate na walang ECC.
Ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones, walang rason na ang nasabing mga establisamieno ay hindi makakakuha ng ECC dahil sa inilunsad na DENR Services on Wheels sa naturang isla na naglalayong matugunan ang pangangailangan ng mga establisamiento.
Ang nasabing mobile initiative ayu isang one-stop shop na magbibigay sa mga komunidad ng routine services na hindi na kailangang magpunta pa ng mainland Surigao.
Sa pamamagitan umano ng Project Transform at ng DENR Services on Wheels, maya’t maya nilang iinspeksyunin ang mga establisamiento upang matiyak na mayroon silang pmga importanteng permit upang maka-operate.