TURIN, Italy – Nagpanic ang mga fans at supporters ng Juventus matapos magkaroon ng bomb scare na siyang naging dahilan sa pagkasugat ng nasa 200 mga indibidwal.
Batay sa report sumiklab ang magugulong eksena, 10 minuto bago magtapos ang match, na sanhi ng fireworks na biglang may mga sumigaw na may bomba na sumabog.
Ang umanoy bomb scare ang siyang naging dahilan sa nangyaring stampede sa siyudad ng Piazza San Carlo.
Ang nangyaring insidente ay naging hindi maganda para sa mga supporters ng Juventus na natalo sa Cardiff final 4-1 sa Real Madrid.
“The root cause of this was panic, to understand what triggered it we will have to wait a while,” ayon sa top local official na si Renato Saccone, na siyang prefect ng Turin.
Ayon sa pulisya, na ilan sa 200 sugatang indibidwal ay kailangang sumailalim sa medical treatment sa hospital kung saan dalawa dito ang nasa seryosong kondisyon. (Associated Press)