-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Inaprubahan na ng Federal Institute for Vaccines ng bansang Germany ang clinical test o human trials ng isang potential COVID-19 vaccine kasabay ng pagpapalawak sa lockdown doon hanggang May 3.

Dinivelop ng isang biotech company sa Germany ang nasabing potential vaccine na tinawag na BNT162 kung saan isasagawa ang clinical trial nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang variants ng bakuna sa 200 na mga healthy volunteers edad 18 hanggang 55.

Madadagdagan naman ang bilang ng mga isasailalim sa ikalawang clinical trial ng vaccine candidate, kasama na ang mga higher risk sa sakit.

Isasailalim din sa clinical trials ang BNT162 sa Estados Unidos kung aaprobahan ang nasabing plano sa Amerika.

Sa ulat naman ni Bombo International Correspondent Maria Karen Viola, nurse sa Freiburg, Germany, bubuksan na sa May 4 ang mga primary at secondary schools doon habang nagbukas na ang mga book stores, car dealers at bike shops kasama ang mga retailer shops na may lawak na less than 800 square meters bagaman istriktong maoobserbahan ang social distancing at hygiene rules.

Hindi na aniya mandatory sa Germany ang paggamit ng face masks ngunit inirerekomenda ito sa mga shops at public transport.

Suspindido aniya ang mga malalaking events doon kasama ang football games hanggang August 31 at mga religious gatherings habang mananatiling sarado ang mga restaurants, café, cinemas, concert at kaparehong music venues, gyms at bars.