Tinatayang aabot sa 150,000 hanggang 200,000 ka mga turista ang bibisita sa Davao City ngayong buwan ng Marso kasunod ng pagdiriwang sa ika-86 na Araw ng Davao.
Ayon kay Harvey James Lanticse, City Information Office sa Davao, ibinase nila ang nabanggit na bilang sa 196,000 tourist arrivals noong 2019 bago ang Covid-19 Pandemic.
Batay dito, inaasahang magpapatupad ng mahigpit na seguridad ang pulisya upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa pagdiriwang ng nasabing aktibidad tulad nalang ng MICE Conference na magsisimula sa Marso 1 hanggang Marso. 3 at ang International Ironman 70.3 Triathlon na gaganapin sa Marso 26.
Sa kabilang banda, posible rin ang pagbisita ni Vice President Inday Sara Duterte at dating pangulong Rodrigo Duterte na sa selebrasyon, ngunit wala pa ring opisyal na kumpirmasyon mula sa mga nabanggit.