-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Namahagi ng abot sa 200,000 tilapia at hito fingerlings ang Office of the City Agriculturist para sa mga magsasaka mula sa 16 barangay ng Kidapawan City.

Nais ng OCA na makapagsimula ang mga benepisyaryo ng 16 Brgy ng lungsod sa pagpapalago ng fishpond livelihood project.

Abot sa 100 indibidwal ang nakabiyaya sa nabanggit na distribusyon sa ilalim ng Cost Recovery Program ng OCA. Ginawa ang aktibidad sa Mega Tent di lalayuan sa Pavilon ng City Plaza. Gagawin naman ang isa pang fingerlings distribution sa darating na Enero 24, 2023 kung saan mas maraming benepisyaryo ang makikinabang, ayon sa OCA.