-- Advertisements --

Pinagdadampot ng Russian police ang nasa 200 katao, kabilang ang ilang prominenteng personalidad mula sa oposisyon, sa pulong ng mga independent at opposition politicians sa Moscow nitong Sabado.

Ang Moscow forum, na naka-schedule ngayong weekend, ay pagtitipon ng mga municipal deputies sa buong bansa.

Habang nagpapatuloy ang forum, bigla na lamang sinalakay ng mga pulis ang gusali at pinaghuhuli ang mga dumalo sa pulong at dinala ang mga ito sa mga police vans na nasa labas.

Ayon sa interior ministry ng Russia, nasa 200 katao ang inaresto at nagpapatuloy na sa ngayon ang isinasagawang imbestigasyon.

Pero sinabi ng pulisya, hindi raw sumusunod ang mga hinuli sa health measures laban sa COVID-19.

Ilan din aniya sa mga dumalo sa forum ay may kaugnayan sa isang “undesirable organization.”

“A significant portion of participants lacked personal protective equipment,” saad ng pulisya. “Members of an organisation whose activities are considered undesirable on Russian territory were among the participants.” (Reuters)