LEGAZPI CITY – Aabot sa 200 kilo ng hot meat ang nakumpiska ng mga otoridad sa isinagawang surprise inspection sa mga malls at palengke sa lungsod ng Legazpi.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay National Meat Inspection Service Bicol director Dr. Alex Templonuevo, isinagawa umano ang nasabing operasyon katuwang ang Legazpi City Veterinary Office at Bicol Communicators and Environmental Rescue Group (BCERG) kung saan inisa-isa ang lahat ng bilihan ng karne.
Karamihan umano sa mga nakumpiska ay mga manok na sira na ngunit ibinebenta pa rin sa publiko.
Nasa 180 kilos ng mga mishandled meats ang narekober na nagkakahalaga umano ng higit P30,000.
Ayon kay Templonuevo, pinagmulta ang mga nagtitinda na nahulihan ng paglabag habang dinala naman sa slaughter house ang mga nakumpiskang karne upang itapon.