-- Advertisements --
US America COVID surgeon
“Masks can help prevent the spread of #COVID19 when they are widely used in public” – US Surgeon General

Nangangailangan umano ang Estados Unidos ng aabot sa 200 million coronavirus tests kada buwan upang makontrol ang walang tigil na paglaganap ng deadly virus.

Ayon sa report ng Rockefeller Foundation at Duke-Margolis Center for Health Policy, ang 200 million tests ay dapat daw isagawa hanggang sa susunod na taon.

Sinabi pa sa naturang analysis, bagamat gumaganda naman ang testing capacity at abilidad ng Amerika sa COVID response, ang kasalukuyan ding infection rate ay nangangailan din ng milyong-milyong mga tests.

Tinukoy pa sa pag-aaral ng mga eksperto na dahil sa pagbubukas muli ng klase, kailangang palawakin ang testing sa mga estudyante, staff, mga residente at mga nursing homes.

Sa ngayon number one ang Amerika sa buong mundo na meron ng 6.5 million na infected at mahigit na sa 194,000 ang death toll.

“Our analysis shows that the US will likely need very large numbers of all types of Covid-19 tests well into 2021 to contain outbreaks while returning toward normal activity, with a particular need for more screening tests that have very fast turnaround times,” bahagi pa ng report. “Testing capacity and test capabilities are improving, but further steps are needed by government, businesses, and manufacturers to close the gaps.”