-- Advertisements --

Nasa 200 na miyembro ng House of Representatives ang nagpasya na ibigay ang kanilang buong sahod sa buwan ng Mayo para malabanan ang coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Kasunod ito sa naunang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ibibgay ng ilang mga cabinet officials ang ka nilang 75 percent ng kanilang sahod sa Covid-19 response program.

Sinabi ni Speaker Alan Peter Cayetano na sa kabuuang 200 na mga mambabatas ng House of Representatives ay aabot ito sa P40 milyon.

Nanawagan din ang mambabatas sa kanilang mga kaibigan na tumulong at umaasa sila na makalikom ng nasa P100 milyon.