-- Advertisements --
Nagtulong-tulong ang nasa 200 na mga bumbero para apulahin ang malaking sunog sa northern Paris.
Tuluyang nilamon ng apoy ang isa sa pinakamalaking recycling plants ng bansa.
Dahil sa nasabing sunog ay isinara ng mga otoridad ang ilang bahagi ng lungsod para mabigyang daan ang mga bumbero.
Pinayuhan ng mga otoridad ang publiko na huwag ng lumabas at ipaubaya na lamang ang trabaho sa kanila.
Itinayo ang Syctom recycling plant noong 2019 na ito ay humahawak ng mga basura sa nasa halos isang milyong residente ng Paris.