-- Advertisements --

CEBU – Umabot sa mahigit 200 na mga pasahero na sakay ng MV Starlight Saturn ang na-rescue ng mga sakop ng Philippine Coast Guard Central Visayas pasado alas 7 kaninang umaga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Ryan Gijapon, isa sa mga apektadong pasahero, sinabi nito na pasado alas 4 ng hapon kahapon ay sumadsad ang nasabing barko na kanilang sinakyan galing Surigao City patungong Cebu City.

Ayon kay Gijapon na pasado alas 9 ng umaga kahapon ay umalis na ang barko at kung normal lang ang sitwasyon ay dapat alas 7 kagabi ay nakadaong na sila dito sa pantalan ng Cebu City.

Aniya, ipinaalam sa kanila ng mga tripulante na may problema ang makina ng barko at dinagdag pa ang low tide kaya sila sumadsad.

Nabatid na nasa tinatayang 15 oras na nasa gitna ng karagatan ang barko bago nailigtas ang mga pasahero.