Aabot sa 201 Filipino migrant workers ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ma-repatriate mula sa bansang Qatar.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakabalik ang naturang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa pamamagitan ng state-funded flight.
Ito ay sa tulong na rin ng DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA).
Dumaan muna ang mga Pinoy sa health protocols at pinayagan nang umuwi sa kanilang mga bahay ang mga fully vaccinated at mga nagnegatibo sa RT-PCR test.
Inalalayan naman sila ng OWWA at nagbigay ng transportation assistance sa mga repatriates na walang pamasahe pauwi.
Sa ngayon, aabot na raw sa 456,892 overseas Filipinos ang nakauwi sa bansa mula nang pumutok ang pandemic sa iba’t ibang panig ng mundo.