-- Advertisements --

Nasa 200 Filipino deportees mula Malaysia ang kasalukuyang nanatili sa  Isla ng Sibakel sa probinsiya ng Basilan para sumailalim sa ilang araw ng quarantine.

Nagtulung-tulong ang pamunuan ng Western Mindanao Command, kasama ang DOH-9 at DSWD-9 para mabigyan ng assistance ang mga na stranded na pasahero.

Ito’y matapos hindi pinayagan mag dock sa mga pantalan sa Western Mindanao ang barko mula sa bansang Malaysia.

Sibakel

Nuong Biyernes, March 20,2020 ibinyahe na ang mga deportees patungo sa Sibakil Island, Lantawan, Basilan.

Isasailalim sa 14-day quarantine ang mga nasabing Filipino deportees bago pa sila papayagang makauwi sa kani-kanilang mga pamilya.

Ayon kay Westmincom Commander  Lt. Gen. Cirilito Sobejana na ang mga Pinoy deportees ay binigyan ng mga food packs, sleeping kits, drinking water, movable tents, bigas at iba pang mga basic commodities  na kanilang kakailanganin.

Tiniyak naman ni Sobejana na bibigyan nila ng sapat na seguridad ang isla at bantayan ang mga kapwa Pinoy na naka quarantine.

“ That is why we organized a team that did the reconnaissance and inspection , and we decided that Sibakel is the most conducive,” pahayag ni Sobejana.

sibakel2

Samantala, una ng iminungkahi ng pamunuan ng Western Mindanao Command (Westmincom) na ang isla ng Sibakel sa probinsiya ng Basilan para gawing quarantine area para sa 200 Filipino passengers na naka tengga sa isang barko matapos hindi ito payagan mag dock sa mga pantalan sa Western Mindanao.

Ayon kay Wesmincom  spokesperson Maj. Arvin Encinas, agad nagpadala ng inspection team ang Wesmincom sa isla ng Sibakil nuong March 19,2020.

Mismong si Col. Leonardo Pena, chief of Westmincom’s unified command  staff ang nanguna sa mga security forces at ilang kinatawan ng mga lead agencies sa inspection.

Sinabi ni Encinas ang Sibakel Island ay isang isolated area na walang existing infrastructure kahit water sources subalit maaaring maka accommodate ng 200 katao.

Nasa 100 tents ang itinayo ng military sa lugar kung saan pansamatalang manatili ang mga Filipino returnees.