-- Advertisements --
Dalawandaang karagdagang mga Pilipinong mandaragat mula sa Frankfurt, Germany ang nakauwi na sa sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, nakalapag sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplanong sakay ang 200 seafarers dakong alas-9:19 ng umaga.
Paglalahad ng DFA, 66 sa mga ito ay crew members ng MV Amera; 130 sa Albatros; tatlo sa River; at isa sa MV Amadea.
Sumailalim na anila sa kaukulang airport medical protocols ang naturang mga Pinoy, at dadaan din sa mandatory quarantine.
Ang kanila ring mga local manning agencies, partikular ang Five Star Marine Service Corp. at BSM Crew Service Centre Philippines Inc. ang nag-asikaso sa kanilang pag-uwi matapos ang ginawang koordinasyon sa Embahada ng Pilipinas sa Berlin.