-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Finance Secretary Benjamin Diokno na aabot sa 200 proyekto ang natukoy ng pamahalaan na popondohan ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Ang mga proyektyong ito na natukoy bilang priority investment areas ay tourism infrastructure, agri-forestry, energy security, digital infrastructure at financial services.

Ayon sa Finance chief, ito muna ang kanilang uunahin kung saan ilan sa mga ito ay handa na para sa implementasyon at ipinapatupad na.

Maaari din aniyang maisakatuparan ang plano ni Maharlika Investment Corp. President Rafael Consing na doblehin ang kapital na ipupuhunan sa P250 billion sa loob ng 2 taon sa pamamagitan ng local at foreign investment.

Sa ngayon, ang pondo para sa MIF ay nagmumula sa mga bangko ng gobyerno kabilang ang dibidendo mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas .