-- Advertisements --
Isinisi sa climate change ang dahilan ng pagkamatay ng may 200 na reindeer sa Svalbard, Norway.
Base sa pananaliksik ng Norweigan Polar Institute (NPI) namatay ang mga reindeer sa labis na pagkagutom dahil sa sa wala na silang mahanap na pagkain dahil sa tagtuyot.
Bumaba ng 56% ang reindeer population mula pa noong dekada ’90.
Sinabi naman ni Kim Holmen ang international director ng NPI na normal ng nakikita sa lugar ang nasabing mga nagugutom na mga reindeer.