-- Advertisements --

CEBU CITY – Balik Cebu na ang higit 200 seafarers na na-stranded sa Maynila mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19 pandemic.

Nitong madaling araw nang ihatid ng St. Michael the Archangel vessel ang mga Cebuanong seaman na nakatakda pang sumailalim sa 14-day quarantine bago makauwi sa kani-kanilang bahay.

Ayon sa Philippine Coast Guard-Region 7, may 328 na pasahero ang nasabing barko na maghahatid din sa Ozamis, Iligan at Zamboanga.

Bukas nakatakdang ihatid ng barko sa kanilang probinsya ang mga taga Dumaguete at Bohol.