KALIBO, Aklan— Isinusulong ngayon ng Local Government Unit (LGU)-Malay na mabigyan ng franchise ang nasa 200 units na Electronic tricycle o E-trike sa isla ng Boracay bilang paghahanda sa total phase out ng mga de-gasolinang tricycle.
Panahon na umano para madagdagan ang kasalukuyang 540 franchise E-trike dahil sa unti-unting paglobo ng mga turista at residente sa isla.
Maalalang makailang ulit na-extend ang pag-phase out ng tricycle dahil sa posibilidad na kukulangin ang mga sasakyan sa isla.
Maliban dito, ang 180 units ng E-trike na donasyon ng Department of Energy (DOE) ay hindi pa naipamahagi dahil sa mga prosesong pagdadaanan ng mga benipisyaryo katulad ng “undertakingâ€.
Samanatala, sinang-ayunan naman ng Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC) ang hakbang ng lokal na pamahalaan dahil isinusulong naman ng mga ito ang pagpalit ng kanilang mga unit.