-- Advertisements --

Nakahanda na rin ang nasa 200 lamang na botante sa remote municipality ng Kalayaan sa Pag-asa Island, Palawan para sa 2019 mid-term elections sa Lunes.

Ayon kay Lilibeth Ustare, Election Officer II wala raw siyang nakikitang problema o ano mang aberya sa mismong araw ng halalan.

Gayunman, nagdala pa rin naman daw sila ng extra na Vote Counting Machine (VCM) na gagamitin kapag magkaroon ng technical difficulties ang nag-iisang VCM na gagamitin.

Una rito dinala na ng Commission on Elections (Comelec) ang VCM at dalawang Comelec personnel sa isla para i-supervise ang election.

Lulan ang mga ito ng Air Force C-295 medium transport aircraft na tumungo sa isla ngayong araw.